Tuloy ang pagsasasagawa ng final testing and sealing ng vote counting machine (VCM) sa unang linggo ng Marso.
Ayon kay Regional Election Director Jose Nick Jose Mendros, ang pagsasagawa ng final testing and sealing ng mga gurong lalahok sa halalan ay para matignan ang mga posibleng problema kung saka-sakali at maayos agad habang maaga pa.
Kaugnay nito, hinikayat ni Director Mendros ang mga partido at kandidato na makipag-ugnayan sa kanilang mga local election officer para makadalo ang kanilang mga watcher sa final testing and sealing.
Ang mga petsa ng final testing and sealing sa mga lalawigan ay ang mga sumusunod: May 3 para sa Mindoro Provinces, May 4 para sa Romblon at Palawan at May 5 para sa Marinduque.
Mismong sina Director Mendros at ilang mga opisyal ng Comelec Region IV-B ay magtutungo sa Kalayaan Islands para obserbahan ang pagsasagawa ng final testing and sealing ng VCM doon.
Para madaling resolbahin ang mga isyu ng nasisirang SD Cards at iba pang teknikal na problema, nagtayo ng 12 provincial technical hub ang Comelec Region IV-B sa limang lalawigan: Isa sa Marinduque, 3 sa Occidental Mindoro, 2 sa Oriental Mindoro; 4 sa Palawan at 2 sa Romblon.