QUEZON CITY, July 22 —Tatlong libo’t pitong daan at tatlumput anim ang naitalang mga kabataan mula apat hanggang labing pitong taong ang nailigtas ng pamahalaan sa operasyon kontra droga.
Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula july 1, 2016 hanggang may 31, 202, Pinakamarami sa mga nailigtas na bata ay mga di-umano’y pusher (2,180) at 412 ang di-umano’y user.
Sa huling operasyon ng PDEA Palawan nitong July 19, dalawa sa apat kataong nahulihan ng ilang gramo ng hinihinalang shabu sa Puerto Princesa City ay mga menor de edad.
Mahalaga ang partisipasyon ng mga kabataan sa kampanya kontra iligal na droga kaya minabuti ng Mimaropa Regional ICAD Coordinating Group- Advocacy Cluster na isama sila sa pamamahagi ng impormasyon kontra droga.
Isa na rito ang spoken poetry contest kung saan tinalakay ng 13 kalahok ang epekto ng droga sa sarili, sa pamilya at sa bansa gamit ang tulang may ritmo at tugtog
bilang pasasalamat, hinihikayat ng Mimaropa Regional ICAD Coordinating Group- Advocacy Cluster ang publiko suportahan ang mga kalahok.
July 23, 2021 at sa ganap na ika-1 ng hapon ang huling araw ng paglalagay ng puso sa mga entries ng Spoken Poetry Contest ng Mimaropa Regional ICAD Coordinating Group- Advocacy Cluster.
Ang unang kategorya ng kontest ay para sa 13-18 years old: ang mga finalist ay sina Entry #1 Sheena Marie G. Urbano; Entry #2 Franzinne Kyrr Fradejas, Entry #3 Meja S. Mahilum; Entry #4 Stephannie N. Magbanua; Entry #5 Marian Lucille F. Mangua; and # Entry 6 Annie Rose S. Parami.
Samantala, ang ikawalang kategorya ay para sa 19-24 age group: Entry #1Hyna Angeles Sulayao; Entry #2 Alpha Jemaimah M. Fran; Entry #3 Ronielle M. Fuentes; Entry #4 Marjorie C. Galicha; Entry #5 Christine Stifanny Yvonne G. Mabini; Entry #6 Jessica Villar; and Entry #7 Julien Christine Andres.
Makikita ang mga larawan ng mga kalahok sa isang collage sa itaas.
Nairecord sa video ang kanilang binasang tula na mapapanood naman sa facebook.com/RICADCG.AdvocacyCluster4B #