Iwas palaot muna habang naririyan ang Bagyong Lannie

PIA MIMAROPA: Umapila ang liderato ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC Mimaropa)  sa mga LGU at mga ahensiya gaya Philippine Coast Guard na sikapin mapigil ang mga nangingisda na pumalaot sa West Philippine Sea at iba pang karagatan kung saan may ipinatutupad na babala ng bagyo. 


 Umiiral ang TCWS No. 1 (Batay sa 11 pm forkast ng Oct. 4) sa katimugang bahagi ng Romblon (Cajidiocan, San   Fernando, Magdiwang, Santa Maria, Odiongan, Alcantara, Ferrol, Looc, Santa Fe at San Jose), ang katimugang bahagi ng Oriental Mindoro, (Roxas Mansalay, Bulalacao at Bongabong) katimugang bahagi ng Occidental Mindoro (Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose at Magsaysay, at ang Hilagang Palawan (El Nido, Taytay, Dumaran at Araceli) Kasama ang mga Isla ng Cuyo at Calamian. Pinapayuhan kang mga kababayan na makipag ugnayan sa kani kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Office at sundan ang mga pinakahuling forkast ng DOST-Pagasa. 


Ayon pa kay RDRRMC Mimaropa Chairperson Ruben Carandang, kailangang tiyakin ng mga LGU na may mga back-up generator ang mga tanggapan na nag-iingat ng bakuna at magsagawa ng pre-emptive evacuation kung kinakailangan.

Ginawa ni Director Carandang ang kanyang mga pahayag sa ginanap na virtual Pre-Disaster Risk Assesment Meeting nitong Lunes ng umaga.

Nakabukas na rin ang virtual Emergency Operation Center para doon magpalitan ng impormasyon at ulat hinggil sa  ginagawa o nagawang responde ng ahensiya at LGU.


Leave a comment